An Open Letter to the Girl who Knew Different

If you want to say something, do not be afraid.
If you want to feel something, do not be afraid.

Lately, I have seen you crying to the world to let you speak. I heard you scream for the first time, and I know that it would not be the last. You have been searching for everywhere to find someone who could listen to that “everything” inside your heart, but no matter how loud you cry, how often you scream, how far you search, there is no one out there who will be as understanding to you as yourself.

You like a girl, yes you do. And you are also a girl, yes you are. You have been questioning yourself since the day you felt it. You do it because you know you’re not like that. For years, your heart has felt nothing except vagueness, and you feel lost now that your heart started searching again for someone – someone different from whom you chased before.

Continue reading “An Open Letter to the Girl who Knew Different”

Beer

Sa mga gabing malamig, gaya ng gabing ito
Ang magpapainit ng sikmura ang tanging hanap ko
Gaya ng beer na ito

Ikaw
Ikaw yung beer na hinahanap ko
Ang magpapainit, hindi lang ng sikmura ko
Pati na ang buong pagkatao ko
Kahit alam kong hindi pa dapat ako uminom
At bawal pa ako sayo, na bawal ako sayo
Kahit na hindi kailanman posible ang “tayo”
Ikaw pa rin ang hanap ko
Sa tuwing nanlalamig ang pakiramdam ko
Ang mga alaala mo, ang mga salita mo
Lahat ng ito’y nagsisilbing alak na nagpapalambot sa kasu-kasuan ko
Ang sarap ng pakiramdam kapag nariyan ka
Kapag ninanamnam ko ang bawat sandaling kasama at kausap kita

Ayoko pang matauhan
Ayoko pang magising sa katotohanang
Hindi naman talaga masarap magmahal ng isang kagaya mo
Na mapait naman talaga ang magmahal ng isang katulad mo
Gusto ko lang manatiling lasing
Para malabo lang ang lahat ng sakit ng ulo, pati na ng puso ko

Ayaw ko nang magising
Gusto ko lang manatili sa saya
At sa masarap na kalayaan sa pagbibigkas ng
“Mahal kita.”

Ang Tusong Mensahero: Isang Mitolohiya

Sa kaharian ng Cielta, nakatira ang diyosa ng karunungan at propesiya na si Dalena. Siya ang pinakamaganda at pinakamatalino sa buong kaharian. Pati ang ibang mga diyos ay malaki ang respeto at paggalang sa kanya kaya naman siya na rin ang reyna ng mga diyos at diyosa. Sinasamba siya ng lahat ng tao sa lupa at pinatayuan pa siya ng isang templo na tinaguriang pinakamalaki sa buong mundo. Pagmamay-ari ni Dalena ang pinakamahalagang krystal sa buong mundo, ang Perlas ng Karunungan. Ang kung sino man ang magmamay-ari nito ay siyang ituturing na pinakadakila at pinakamalakas sa lahat dahil sa kakaibang kapangyarihang taglay ng perlas na ito.

Ngunit kahit pinakamarunong na sa lahat ang diyosang si Dalena, hindi mapigilan nito pag-ibig niya sa mensahero ng mga diyos, si Bakar. Si Bakar ang pinakamabilis na nilalang sa kaharian ng Cielta kaya’t siya ang parating naaatasang sumunod sa mga hiling ng mga diyos at diyosa. Siya rin ang tinuring na pinakamagandang lalaki sa kaharian kaya’t maraming kababaihan na ang nahulog at humabol sa kanya, isa na rito si Dalena. Hindi rin maitatanggi na mayroong kaalaman si Bakar tungkol sa pag-ibig sa kanya ni Dalena. Dahil dito, matagal niya nang pinaplanong linlangin ang diyosa upang makuha ang perlas ng karunungan.

Continue reading “Ang Tusong Mensahero: Isang Mitolohiya”